Viewers were treated to a night filled with fun and laughter last Monday (Aug 8) as the most awaited showdown between Ella (Vice Ganda) and Paloma (Coco Martin) finally happened in the number one primetime series “FPJ’s Ang Probinsyano.” Cardo (Coco) once again transformed into the alluring lady Paloma to seize the group of online scammers led by Ella. And proving her undeniable appeal, Paloma once again did her signature walk and stare, which enticed viewers all over the country as the action-series garnered a national TV rating of 43.3% versus its rival program “Encantadia,” which only scored 19.4%. The netizens also had a good laugh over Ella’s antics, making the official hashtag #FPJAPKabugan trend on Twitter. How will Cardo be able to stop Ella and the rest of their group with their plans? Will Paloma’s charm be enough to stop them? Watch out for the action-packed scenes in the number one teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano,” weeknights on ABS-CBN or on ABS-CBN HD (SkyCable Ch 167). Viewers can also catch up on the program’s past episodes via iWanTV.com and skyondemand.com.ph for Sky subscribers.
SHOWDOWN NINA COCO AT VICE, KINAHUMALINGAN NG MANONOOD. Isang gabing puno ng saya at katatawanan ang inihain ng nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa mga manonood dahil naganap na ang pinakaaabangang talbugan ng ganda nina Ella (Vice Ganda) at Paloma (Coco Martin) noong Lunes (Aug 8). Muli ngang nagpanggap si Cardo (Coco) bilang ang kaakit-akit na dalagang si Paloma upang mahuli ang grupo ng online scammers na pinangungunahan ni Ella. At sa kanyang pagbabalik, nahumaling muli ang lahat sa mga titig at alindog ni Paloma na lubos na kinagilawan ng mga manonood sa buong bansa, kaya naman nakapagtala ang serye ng national TV rating na 43.3%, higit na mataas kumpara sa katapat nitong palabas na “Encantadia” na nakakuha lamang ng 19.4%. Nanguna rin sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag na #FPJAPKabugan dahil sa pagpapakitang gilas at nakatutuwang dance moves ni Ella na kinagiliwan ng netizens. Mahuli na nga kaya ni Cardo ang mga kawatan? Maging sapat kaya ang alindog ni Paloma upang matugis sila? Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.