ABS-CBN’s hit legal drama “Ipaglaban Mo” celebrates its second year of educating viewers of their legal rights and responsibilities this whole month of August via special episodes beginning Saturday (Aug 6).
Kicking off the celebration is the show’s 100th episode titled “Kapansanan” topbilled by RK Bagatsing with Ria Atayde, Karen Reyes, Tanya Gomez, and Eric Fructuoso.
It features the story of a deaf-mute, mentally retarded Baldo (RK) who, because of his poor judgment, attacked Tina (Karen), a young woman he’s long been fancying. Tina, however, survived the ordeal and filed a case against Baldo. What will the rule of court be? How will his mental capacity affect the case?
The anniversary month also features must see performances coming from Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Miles Ocampo, Nikki Valdez, Antoinette Taus, and Ara Mina.
Since “Ipaglaban Mo” premiered on ABS-CBN in 2014, the show has been consistently captivating viewers in its timeslot because of its timely and relevant stories that not only showcase good values, but also informs viewers of their rights.
“Ipaglaban Mo” further strengthened its commitment to serve by also offering free legal consultations to the public with Atty. Jose and Jopet Sison every week in partnership with ABS-CBN’s Tulong Center located in ABS-CBN compound in Quezon City.
Don’t miss the “Kapansanan” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Ato Bautista, this Saturday (Aug. 6) after “It’s Showtime” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up viaiwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. For updates, follow @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, @IpaglabanMoCh2 on Twitter, or like www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBNon Facebook.
-30-
“IPAGLABAN MO,” DALAWANG TAON NANG NAGBABAHAGI NG KAALAMANG LEGAL SA PUBLIKO
Dalawang taon nang nagbibigay ng kaalamang legal sa publiko ang hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo.” Kaya naman bilang espesyal na handog sa ikalawang anibersaryo nito, apat na espesyal na episodes ang itatampok sa inyo buong buwan ng Agosto.
Sisimulan yan ng ika-100 episode ng programa na pinamagatang “Kapansanan” ngayong Sabado (Aug 6) tampok sina RK Bagatsing, Ria Atayde, Karen Reyes, Tanya Gomez, at Eric Fructuoso.
Ito ay kwento ng pipi’t bingi at mentally retarded na si Baldo (RK) na dala ng kakulangan sa pag-iisip ay nagawang pagtangkaang halayin si Tina (Karen), isang dalagang matagal na niyang gusto. Malalampasan ni Tina ang tangkang ito at magagawang kasuhan si Baldo. Sino ang kakatigan ng korte? Ano ang epekto ng kanyang kakulangan sa pag-iisip sa magiging hatol ng hukuman?
Kasama rin sa anniversary episodes sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Miles Ocampo, Nikki Valdez, Antoinette Taus, at Ara Mina.
Simula ng ipinalabas ang “Ipaglaban Mo” sa ABS-CBN noong 2014, palaging wagi ang programa sa timeslot sa national TV ratings dahil na rin sa napapanahon nitong mga kwento na hindi lang nagbabahagi ng magagandang aral, nagtuturo rin sa mga manonood ng kanilang karapatan bilang mamamayan ng bansa.
Hinigitan pa ng programa ang dedikasyon nitong makatulong dahil linggo linggo ding nagbibigay ng libreng legal consutation sa publiko ang hosts an sina Atty. Jose at Jopet Sison sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN Tulong Center.
Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “Kapansanan” sa ilalim ng direksyon ni Ato Bautista, ngayong Sabado (Aug. 6), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin muli ang nakaraang episodes ng programa via iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN sa Facebook.
-30-












