Sometimes, a sport runs across an athlete that is on another level compared to his or her peers. They are known as generational talents, once-in-a-lifetime superstars, athletes who can do special things, great things, mixing it with charisma to charm more than a hundred thousand people. Phenoms.
The Philippines has its own phenomenal athletes. There’s Manny Pacquiao for boxing, Paeng Nepomuceno for bowling, Efren Bata Reyes for billiards, and Caloy Loyzaga for basketball. The recent rise in popularity of volleyball in the country also gave birth to another Filipino “phenom.”
This Sunday (June 19), Filipinos will get to witness the rise of Philippine volleyball’s brightest star in “Alyssa Valdez: The Flight of the UAAP Phenom,” an ABS-CBN Sports’ documentary detailing the path to stardom of one Alyssa Valdez, a three-time MVP in the UAAP Women’s Volleyball division, which will air on ABS-CBN Sports + Action at 6pm, with a replay on Monday (June 20) at 11:30am.
Valdez, who led the Ateneo Lady Eagles to two championships, will narrate how she ended up in Katipunan to play for the Blue and White and train under coaches Roger Gorayeb and later Tai Bundit, and then achieving superstardom never before seen in local collegiate sports.
Valdez will also open up about her personal life, from her roots in Batangas to her blooming relationship with fellow “Phenom” Kiefer Ravena. The documentary will also reveal the current path the erstwhile Queen Eagle, wherein she hopes to do more for the sport, her fans, and the country.
Anchored by Gretchen Ho, The “Alyssa Valdez: The Flight of the UAAP Phenom” is a documentary produced by ABS-CBN Sports, the sports arm of ABS-CBN, which aims to champion sports and Filipino athletes through providing inspiring and exciting sports content on multiple platforms, ABS-CBN Sports + Action on free TV, ABS-CBN Sports + Action HD on cable, and sports.abs-cbn.com online. ABS-CBN is the Phillppines’ leading media and entertainment company.
Don’t miss the airing of “Alyssa Valdez: The Flight of the UAAP Phenom” ABS-CBN Sports + Action and this Sunday (June 19) at 6:00pm. For more information about ABS-CBN Sports and the UAAP, visit sports.abs-cbn.com, and follow ABS-CBN Sports’ official Facebook and Twitter accounts, @abscbnsports.
-30-
“ALYSSA VALDEZ: THE FLIGHT OF THE UAAP PHENOM,” MAPAPANOOD SA ABS-CBN SPORTS + ACTION
Minsan, may mga atletang bigla na lang susulpot mula sa kung saan at umaangat sa kanilang mga katunggali. Tinatawag silang mga “generational talents,” mga superstar ng kanilang henerasyon o “Phenoms.”
Sa Pilipinas, nariyan sina “People’s Champ” Manny Pacquiao para sa boxing, Paeng Nepomuceno sa bowling, Efren “Bata” Reyes ng billiards, at ang “The Big Difference” na si Caloy Loyzaga sa basketball. Sa pagsikat ng volleyball sa bansa, nadagdagan pa ang listahan sa pagsikat ng isang volleyball phenom.
Ngayong Linggo (Hunyo 19), mapapanood ng mga Pilipino ang isang dokumentaryo tungkol sa pinakamaningning na bituin sa volleyball sa bansa na pinamagatang “Alyssa Valdez: The Flight of the UAAP Phenom,” handog ng ABS-CBN Sports, kung saan ikukwento ng three-time UAAP Women’s Volleyball MVP na si Alyssa Valdez ang kanyang mga pinagdaanan para makarating sa tuktok ng mundo ng volleyball sa Pilipinas, sa ganap na 6pm sa ABS-CBN Sports + Action at may replay sa Lunes (Hunyo 20), 11:30am.
Ibabahagi ni Valdez, na pinangunahan ang Ateneo Lady Eagles sa dalawang sunod na korona sa UAAP, kung paano siya napadpad sa Katipunan sa ilalim ng mga coaches na sina Roger Gorayeb at Tai Bundit, bago naging isang napakalaking star sa collegiate sports sa bansa.
Magkukuwento din si Alyssa tungkol sa kanyang personal na buhay, kung paano siya lumaki sa Batangas, at ang namumuong pagtitinginan nila ng Ateneo Blue Eagles basketball star Kiefer Ravena. Sasaklawin din ng dokumentaryo ang kasalukuyang mga plano ng Queen Eagle para mapalakas pa ang volleyball sa bansa.
Kasama ang anchor na si Gretchen Ho, ang “Alyssa Valdez: The Flight of the UAAP Phenom” ay isang dokumentaryong ginawa ng ABS-CBN Sports, ang sports arm ng ABS-CBN, na naglalayong palakasin at bigyang importansya ang mga atletang Pilipino sa pamamagitan ng paghahandog ng mga programang tiyak na ikasasabik ng mga manonood sa iba’t ibang plataporma, sa ABS-CBN Sports + Action sa free TV, ABS-CBN Sports + Action HD sa cable, at sports.abs-cbn.com para sa online. Ang ABS-CBN ang nangungunang media and entertainment company sa bansa.
Huwag palampasin ang pag-ere ng “Alyssa Valdez: The Flight of the UAAP Phenom” sa ABS-CBN Sports + Action ngayong Linggo (Hunyo 19) sa ganap na 6pm. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com, at sundan ang mga official Facebook at Twitter accounts ng ABS-CBN Sports (@abscbnsports).
-30-