Quantcast
Channel: ABS-CBN – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3158

JANELLA, ELMO PROVE DESTINY EXISTS IN “BORN FOR YOU”

$
0
0

Janella Salvador and Elmo Magalona (4)

Will a haunting past hinder destined lovers from ending up with each other?

ABS-CBN and Dreamscape Television Entertainment will prove this June that everyone is destined to meet the ‘one’ at the right place and time in the newest kilig series “Born for You,” which stars Kapamilya loveteam Janella Salvador and Elmo Magalona.

Janella will play Sam Kazuko, an aspiring Pinay singer who grows up in Japan. A hopeless romantic, she believes in the concept of red string of fate, which says that an invisible string connects two destined people and are set to meet each other wherever they are in the world.

On the other hand, Elmo will play Kevin Sebastian, a popular teen heartthrob and son of OPM icon Mike Sebastian (Ariel Rivera), who popularized the song “Born for You.” Despite his popularity, Kevin doubts the authenticity of love and destiny because of the complicated relationship of his parents.

Their love for music will bring Sam and Kevin together, but it might also be the reason for their budding romance to be cut off.

Sam’s father, Buddy (Bernard Palanca), composed the song “Born for You” for her mother Cathy (Vina Morales). But Marge (Ayen Laurel), the daughter of the country’s richest record label owner, stole the song and gave it to Mike in hopes of winning the male singer’s heart.

Everything eventually happened according to Marge’s plans as she got married to Mike and gave birth to Kevin. While they were living a happy life, Buddy’s family was suffering because of his sudden death, which prompted Cathy to work in Japan to provide for Sam.

What fate awaits for Sam and Kevin? How will their parents’ past affect their destiny? Will the string that connects them be broken?

Joining the cast of “Born for You” are Gina Pareño, Freddie Webb, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Francis Magundayao, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, Katya Santos, DJ Durano, Alfred Labatos, Kyline Alcantara, Paulo O’hara, Neil Coleta, and Young JV.

Don’t miss the start of the teleserye that proves destiny exists, “Born for You” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable 167). Catch up via iWant TV and skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

-30-

Janella Salvador and Elmo Magalona (1)

Unang teleserye ng ElNella mapapanood na!
JANELLA AT ELMO, PATUTUNAYANG TOTOO ANG TADHANA SA “BORN FOR YOU”

Maging hadlang kaya ang buhol-buhol na nakaraan upang magkatuluyan ang dalawang taong itinadhana para sa isa’t-isa?

Nakatakdang madagdagan ng kilig ang gabi ng mga manonood sa nalalapit na pag-uumpisa ng pinakabagong teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment, ang “Born for You” na pinagbibidahan ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Gaganap si Janella bilang si Sam Kazuko, isang aspiring Pinay singer na lumaki sa Japan. Dahil sa kanyang pagiging hopeless romantic, naniniwala siya sa konsepto ng red string of fate na nagsasabing isang invisible string ang nagkukonekta sa dalawang taong itinadhana para sa isa’t-isa.

Mapapanood naman si Elmo bilang si Kevin Sebastian, isang sikat na singer at anak ng OPM icon na nagpasikat ng kantang “Born for You” na si Mike Sebastian (Ariel Rivera). Bagama’t nasa rurok ng kasikatan, may hinaing si Kevin tungkol sa love at destiny dahil sa kumplikadong relasyon ng kanyang mga magulang.

Ang hilig nina Sam at Kevin sa musika ang maglalapit sa kanilang dalawa, ngunit ito rin ang posibleng makasira sa kanilang umuusbong na pag-iibigan.

Isinulat ng ama ni Sam na si Buddy (Bernard Palanca) ang kantang “Born for You” para sa kanyang ina na si Cathy (Vina Morales). Pero inangkin ito ni Marge (Ayen Laurel), anak ng may-ari ng isang sikat na record label, at ibinigay ang kanta kay Mike sa kagustuhang pasikatin at ibigin siya ng male singer.

Nagtagumpay si Marge sa kanyang mga plano matapos mapasikat at mapaibig si Mike. Nagbunga rin ang kanilang pagmamahalan nang kanyang isilang si Kevin. Ngunit sabay sa kanilang kasiyahan ay ang lubos na paghihirap ng pamilya ni Buddy matapos ang kanyang hindi inaasahang pagkamatay, dahilan para kay Cathy na tumungong Japan upang kumita ng pera para kay Sam.

Anong tadhana kaya ang naghihintay para kina Sam at Kevin? Paano makaaapekto sa kanilang kapalaran ang mga pangyayari sa nakaraan? Maputol kaya ang invisible string na nagkukonekta sa kanila?

Kasama rin sa cast ng “Born for You” sina Gina Pareño, Freddie Webb, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Francis Magundayao, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, Katya Santos, DJ Durano, Alfred Labatos, Kyline Alcantara, Paulo O’hara, Neil Coleta, at Young JV. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Onat Diaz.

Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You,” malapit na sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

-30-


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3158

Trending Articles