Quantcast
Channel: ABS-CBN – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3158

WILL KIM AND XIAN REKINDLE THEIR LOVE IN “THE STORY OF US”?

$
0
0

KimXi

Circumstances might have broken Tin (Kim Chiu) and Macoy (Xian Lim) apart, but will their love get a second chance once they return to the place where it all began?

The love story of Tin and Macoy finally goes full circle in the last two weeks of “The Story of Us” when the two return to El Nido, Palawan, just as the childhood friends and former lovers attempt to start their lives anew.

After being set free by CJ (Bryan Santos), Tin is ready to pick up the pieces and returns to the Philippines to attend the wedding of her mother Carmi (Aiko Melendez) as her bride’s maid. Even though reluctant, she comes home, together with Myra (Zsa Zsa Padilla) and Caitlyn (Kira Ballinger).

Macoy, on the other hand, faces an enormous obstacle as he tries to woo the residents of El Nido for a project he leads. He has also gotten close to Lucia (Shaina Magdayao), but whether he is ready or not to open his heart to a new love remains a big question.

When their paths inevitably cross, will they be able to rebuild the love they once had before changes in America crushed their relationship?

Since “The Story of Us” began, the series has received mostly positive feedback for its bold storytelling that shed light on issues rarely touched on in the mainstream.

It gave a peek into the difficult experiences of overseas Filipinos who live as undocumented workers or TNT’s (“tago nang tago”), when Macoy sacrificed everything just to be with Tin in America.

The series also showed that life outside the country is not all glitz and glamour and entails sacrifice and perseverance, as Tin and Myra struggled to make ends meet as blue-collar workers.

Throughout the series’ run, praises also kept pouring in for Kim and Xian’s acting skills, as the love team strove to do justice to their roles as individuals and lovers torn apart by their differences.

Don’t miss the last 12 nights of “The Story of Us,” weeknights after “Dolce Amore” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

 

13383455_10206291499468341_977044986_o

DATING PAG-IBIG NINA KIM AT XIAN, MANUMBALIK KAYA SA “THE STORY OF US”?

Sa nakatakdang pagbabalik ni Tin (Kim Chiu) sa Palawan kung saan nagsimula ang lahat, maibalik din kaya ang pag-ibig nila ni Macoy (Xian Lim) sa kanilang muling pagtatagpo?

Iyan ang sasagutin sa nalalapit na pagtatapos ng “The Story of Us” sa pagbabalik ng magkababata at dating magkasintahan sa El Nido, kung saan nila unang binuo ang kanilang pagmamahalan.

Matapos siyang palayain ni CJ (Bryan Santos), handa nang buuin ni Tin ang kanyang sarili at babalik na ng Pilipinas para pagbigyan ang hiling ni Carmi (Aiko Melendez) na maging maging bride’s maid sa kasal nito. At kahit na hindi buo ang loob na umuwi, makakasama niya sa kanyang pagbabalik si Myra (Zsa Zsa Padilla) at Caitlyn (Kira Ballinger).

Bagong simula naman ang haharapin ni Macoy sa kanyang pagpupursige na makuha ang loob ng mga taga-El Nido para sa isang proyekto. Mas lumalalim din ang pagkakaibigan niya kay Lucia (Shaina Magdayao), ngunit nananatiling isang malaking katanungan kung handa na ba siyang buksan ang kanyang puso para sa isang panibagong pag-ibig.

Sa huling dalawang linggo nito, nakatakdang sagutin ng “The Story of Us” kung kaya pa bang mahalin nina Tin at Macoy ang isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagbabago at pagsubok na kanilang pinagdaanan sa Amerika.

Simula nang umere ang “The Story of Us,” nakatanggap na ito ng maraming papuri dahil sa matapang na paglalahad nito ng mga isyu at karanasan ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa.

Ipinasilip nito ang buhay ng mga TNT (“tago nang tago”) o overseas Filipinos na ilegal na naninirahan sa Amerika, nang buong tapang na isakripisyo ni Macoy ang lahat para lang makapiling si Tin.

Inilahad din ng serye sa mga manonood ang realidad ng paghahanap-buhay sa ibang bansa – na ang kaakibat ang pagsasakripisyo at pagtitiyaga – sa pagkayod nina Tin at Myra bilang house cleaner, waitress, at hair stylist.

Samantala, marami naman ang humanga kina Kim at Xian na nakipagsabayan sa aktingan sa kanilang co-cast members sa kanilang pagbibigay-buhay at kulay sa mga karakter bilang dalawang taong sinira ng pagkakataon.

Huwag palampasin ang huling 12 gabi ng “The Story of Us” pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3158

Trending Articles