Magbabago na ang takbo ng buhay ni Espie (Maymay Entrata) sa pagbukas ng kanyang third eye dahil ito ang kanyang gagamitin upang tulungang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng multong si Vincent (Edward Barber) sa “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko” ngayong Linggo (Hulyo 29).
Madadagdagan pa nga ang pagsubok ni Espie, dahil bukod sa pagtatago niya sa sindikato, magkikita na silang muli ni Vincent, ang lalaking nanakit sa kanya nang lubos. Ngunit hindi ito ang pagkikitang inaasahan niya dahil isa nang multo si Vincent, at hihingi ito ng tulong upang makausap ang kanyang ina gamit ang kapangyarihan ng dalaga.
Dahil sa galit at takot, pilit na lalayo at tatanggihan ni Espie ang pakiusap ng multong binata. Pero kalaunan lalambot din ang puso nito, at pipiliin nang gamitin ang kapangyarihan sa kabutihan imbis na manloko bilang isang pekeng manghuhula.
Maging madali nga kaya para kay Espie ang kanyang misyon?
Samantala, agad na tinutukan ang unang episode ng serye matapos nitong magkamit ng national TV rating na 26%, kumpara sa “Daig Kayo ng Lola Ko” (17.4%), ayon sa datos ng Kantar Media.
Umeere na sa loob ng halos dalawang dekada, ang “Wansapanataym” ang kauna-unahang Filipino program na nakatanggap ng nominasyon sa prestihiyosong International Emmy Kids Awards para sa best TV movie/mini-series category. Katapat nito ang mga programa mula Netherlands, United Kingdom, at Australia.
Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo ko” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
Edward to get justice through Maymay’s help…
MAYMAY LEARNS THE VALUE OF FORGIVENESS IN “WANSAPANATAYM”
With an open third eye, Espie (Maymay Entrata) will finally put her ability of talking to dead people to good use as she helps give justice to the death of her old love Vincent (Edward Barber) in “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko” this Sunday (July 29).
Aside from hiding away from a syndicate, Espie will continue to face more challenges as she crosses paths with Vincent, the man who broke her heart in the past. Now roaming the earth as a ghost, Vincent will ask for Espie’s help to be able to reconnect with his mom.
Though frightened and confused at first, Espie will let go of her grudges, eventually grant the ghost’s request, and take it as an opportunity to make up for all times she had tricked other people.
Will Espie succeed in her mission?
Meanwhile, the series’ first episode enjoyed high viewership as it rated a national TV rating of 26%, while rival program “Daig Kayo ng Lola Ko” only got 17.4%, according to data from Kantar Media.
Having aired for almost two decades, “Wansapanataym” is the sole Filipino program to be nominated in the prestigious International Emmy Kids Awards held recently under the best TV movie/mini-series. It battled against shows from Netherlands, United Kingdom, and Australia.
Don’t miss the values shared in “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.