Quantcast
Channel: ABS-CBN – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3158

Mona at Lisa, magkikita na sa “Sana Dalawa Ang Puso”

$
0
0

Matutunghayan na ng mga manonood ang pinaka-aabangang pagkikita ng magkamukhang sina Mona at Lisa, na parehong ginagampanan ni Jodi Sta. Maria, sa morning serye ng ABS-CBN na “Sana Dalawa ang Puso.”

Sa paghahanap ng solusyon ni Lisa para atrasan ang kasunduang kasal nila ni Martin (Richard Yap), nakipagkita siya kay Donnie Pamintuan (Victor Silayan), isa ring negosyante na makakatulong sa kanilang kompanyang LGC, sa Club Manila E.

Hindi naman niya inasahang na sa pag-alis niya sa nasabing club ay bigla na lang bubulaga ang hilong-hilong si Mona na tinatakasan naman si Mr. Chua, ang boss ng pinagkaka-utangan niyang si Mr. Supapi (Leo Martinez).

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkikita? Ang pagkikita na kaya nila ang solusyon sa kani-kanilang problema?

Huwag palampasin ang “Sana Dalawa ang Puso” bago ang “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

MONA AND LISA MEET IN “SANA DALAWA ANG PUSO”

The most awaited encounter of Mona and Lisa, both played by Jodi Sta Maria, in “Sana Dalawa Ang Puso” finally happens this Friday (March 9).

As Lisa finds a solution to back-out from her arranged marriage with Martin (Richard Yap), she carries on in closing a deal with Donnie Pamintuan (Victor Silayan) to help her company, LGC, in a meeting at Club Manila E.

On her way home, Lisa unexpectedly sees Mona, who is trying to run away from Mr. Chua, the boss of Mr. Supapi (Leo Martinez).

What will happen in their chance encounter? Is this the solution to their problems?

Don’t forget to watch “Sana Dalawa ang Puso” before “It’s Showtime” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up on the show’s latest episodes on iWanTV orskyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @starcreatives on Facebook, Twitter, and Instagram.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3158

Trending Articles